Isang turista na Pilipina at ang kanyang foreigner na kasintahan ay nagulat sa kanilang natanggap na bill matapos kumain sa isang restaurant sa Boracay Island, Malay Aklan.
Umabot sa P10,257 ang kanilang babayaran para sa lobster, pusit, sea urchins, alimango, kanin at inumin.
Nakalagay pa sa bill ang karagdagang bayarin tulad ng service charge at “paluto” o to cook fee.
Dahil dito, ipinahayag ng babae ang kanyang pagkadismaya sa pamamagitan ng isang Facebook post, na may layunin na magbigay babala sa iba.
Aniya, “Posting this to make people aware nga maghalong gid sa mga tao nga ga offer food sa Bora. This is the worst vacation kay first day palang namon amo na ini dayun bill namon sa isa lang ka meal.”